BOMBO DAGUPAN- Pinapaniwalaan ng Revolutionary Guard Corps ng Iran na malapitang pinaslang si Hamas Political chief Ismail Haniyeh sa labas ng guesthouse nito sa Tehran.

Anila, ginamitan umano ng 7kg short-range projectile si Haniyeh na nagsanhi ng malakas na pagsabog na kaniya namang ikinasawi kasama ang kaniyang bodyguard noong martes.

Bumibisita ang Hamas leader sa Tehran upang dumalo sa inauguration ni President Massoud Pezeshkian.

--Ads--

Samantala, wala pang komento ang Israel kaugnay sa pagkasawi ni Haniyeh.