BOMBO DAGUPAN- Kinumpirma ng militar ng Israel na kanilang napaslang sa air strike sa Gaza Strip noong nakaraang buwan ang military chief ng Hamas na si Mohammed Deif.

Si Deif ay napaslang sa compound ng Khan Younis noong ika-13 ng Hulyo, subalit, hindi pa nagpapahayag ng kompirmasyon ang Hamas.

Sinasabi ng Israel na isa si Deif sa mga responsable mula sa pinlanong pag-atake noong Oktubre 7 nakaraang taon sa southern Israel.

--Ads--

Ito ay ikinasawi ng 1,200 katao at 251 naman ang binihag.