Dagupan City – Nilusob ng mga militanteng grupo ang harapan ng Kampo Aguinaldo.
Ang nangyaring ito ay kasabay umano ng pagbisita sa bansa ng dalawang mataas na opisyal ng Estados Unidos na sina US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin at nagsagawa ng kilos-protesta.
Kinabibilangan ito ng grupong Bayan, Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno at iba pa kung saan ay dala-dala ng mga ito ang mga placards na “US Troops out of the Philippines.”
Layunin nito na kontrahin ang nakatakdang 2+2 ministerial dialogue ngayong araw sa pagitan ng Defense at Foreign Officials ng Pilipinas at US na ang tangi lamang umanong layunin ay palakasin ang military intervention ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon sa mga ito, ang pakikialam ng US sa isyu ng bansa ay lalo lamang magpapalala sa tensyon.
Kung kaya’t ang naging panawagan nila ay lisanin ng US at China ang karagatan ng bansa at itigil na ang militarisasyon bagkos ay unahin ang mga nasalanta ng habagat at Bagyong Carina gayundin ang nangyaring oil spill sa Bataan.