DAGUPAN CITY- Dahil sa mga malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Carina, nakapagtala ang Provincial Disaster and Management Office Pangasinan ng paglikas sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operator Supervisor Provincial Disaster and Management Office Pangasinan, base sa report, mayroong lumikas sa bayan ng Bani, Alaminos, Anda, Mangatarem, at Sison.

Aniya, ito ay umaabot sa tinatayang hindi bababa sa 113 na pamilya na nailikas nang makaranas ng matinding pag ulan, gayunpaman, kinukompirma pa din nila sa iba’t ibang Local Government Unit ang kabuoang bilang ng mga ito.

--Ads--

Samantala, nagkaroon din ng pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan kabilang na ang bayan ng Lingayen at Mangatarem.

Kaya patuloy ang kanilang pagmonitor sa mga low lying areas, lalo na sa mga flood prone areas.

Sinabi din ni Chiu na sa tuwing nagkakaroon ng sama ng panahon, agad din nilang binabantayan ang river system ng lalawigan dahil sa posibleng pag apaw ng tubig dulot ng pag ulan at pagsalo ng mga katubigan mula sa karatig lalawigan.

Sa kabilang dako, pagdating naman sa Brgy. Poblacion Oeste sa syudad ng Dagupan, problema sa drainaige at pagkakaroon ng hightide ang nagdulot ng pagbaha.

Hindi man lahat ay apektado subalit nagdudulot pa din umano ito ng abala sa mga residente.

Kaya hinihiling ni Brgy. Kawagad Artemio Bads Fernandez ang pagpapataas ng daanan sa kanilang lugar upang masolusyonan na ang kanilang problema sa pagbaha.

Binaha naman ang ilang parte ng Brgy. Pantal dulot na din sa malapit sila sa Pantal River.

Ayon naman kay Brgy. Kgwd. Tito Landingin Ki na nagpatuloy ang kanilang monitoring sa nasabing ilog nang makaras ng malakas na pag ulan sa lungsod.

Habang sa Barangay Malued, sinabi ni Brgy. Capt. Filipina Delos Santos, malaking tulong para sakanila ang paglilinis ng creeks at drainage at pagpapataas ng mga daanan upang maiwasan ang pagbaha.

At sa naranasang pag-ulan,tanging mga low lying areas lamang ang binaha.

Nagpatuloy din namam ang pagiikot ng mga opisyal sa mga nasabing barangay ng lungsod ng Dagupan upang maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.