Dagupan City – Suportado ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang karagdagang mag-aaral na magiging iskolar ng Pangasinan Polytechnic College ngayong school year.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino na siya ring Chairperson ng Committee on Education, sinabi nito na mas dumami ang bilang ng mga enrollees nang malaman nila ang benepisyo at oportunidad sa mga magsisilbing iskolar ng Sangguniang Panlalawigan.
Kung kaya’t dahil dito, naisipan din nila na mas palawakin ang paaralan para sa mga studyante, dahil hindi anila isasakripisyo ang de kalidad na edukasyong nararapat para sa mga mag-aaral.
Tinitiyak ng bise gobernador na sasailalim ang mga silid sa kung ano ang nasa standard ng Commission on Higher Education (CHED).
Bagama’t may budget ng nakalaan para sa Pangasinan Polytechnic College, hindi naman aniya nawawala ang posibilidad na dagdagan ito para sa improvement ng mga existing facilities.