DAGUPAN CITY- Himas rehas ang bagsak ng isang 23 taon gulang na lalaki sa bayan ng San Fabian matapos nito manggahasa.

Ayon kay PLt. Col. Michael Datuin, Chief of Police ng San Fabian PNP, sa bisa ng warrant of arrest, arestado ang akusado na si Jeric Dumo, walang trabaho, residente ng Brgy, Angio, sa parehong bayan sa isinagawang manhunt operation.

Base sa imbestigasyon, taong 2017 hanggang 2020 pa isinagawa ng suspek ang krimen sa isang menor de edad. Napag alaman na pinsan at kapitbahay lamang ng suspek ang nabiktima nito.

--Ads--

Dinala naman sa kustodiya ng San Fabian PS at nahaharap sa kasong 2 counts of rape.