BOMBO DAGUPAN- Batas na magpapatibay pa lalo sa Secret Service Protection.
Maituturing umanong ‘dark moment’ sa kasaysayan ng Estados Unidos ang pagtangkang pagpaslang kay former President Donald Trump.
Kaya ayon kanila Congressmen Ritchie Torres ng Democrat at Mike Lawler ng Republican, malinaw na kinakailangan pa ng mas mahigpit na proteksyon sa lahat ng mga kumakandidato sa pagkapresidente.
--Ads--
Kaugnay nito, pinaplano nilang magpatupad ng bipartisan legislation para sa mas matibay na Secret Service protection para kanila US President Joe Biden, former President Donald Trump, at presidential candidate Robert Kennedy Jr.