BOMBO DAGUPAN – Hindi bababa sa 41 katao ang nasawi habang 190 ang nasugatan sa air strike ng Russia sa Ukraine.

Kasama sa mga tinamaan ang Kyiv children’s hospital na pinakamalaking children’s hospital sa nasabing bansa.

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pag-atake na “brutal” at inilarawan ang kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin bilang isang “bloody criminal”.

--Ads--

Ideneklara naman si Kyiv’s mayor, Vitali Klitschko, ang araw na ito bilang day of mourning kasunod ngng nasabing atake.

Sa kasalukuyan, nagkukumahog ang rescuers para maisalba ang iba pang biktima mula sa wreckage.

Ang Russian missile strikes ay umani ng pagkondina mula sa ibat ibang lider kabilang na si US President Joe Biden.