BOMBO DAGUPAN – Nanalo ang isang babae sa Nebraska ng $220,000 mula sa ticket lottery na hindi sinasadyang na-print.
Kinilala naman ito na si Lori Sailors ng Lincoln.
Ayon sakanya ay bumili siya ng dagdag na Pick 5 ticket na hindi sinasadyang na-print sa tindahan ng Casey sa N 48th Street sa Lincoln.
--Ads--
Ang ticket ay nakakuha ng $220,000 na premyo sa June 22 drawing.
Siya ay nanalo na rin dati ng $54,000 mula sa isang Pick 5 drawing noong Hunyo 2019 at sinabi niya na ang ticket ay na-print din nang hindi sinasadya.
Si Sailors at ang kanyang asawang si Monte, ay nagsabi na ang kanilang napanalunan ay mapupunta sa pagbabayad ng utang ng anak nilang estudyante at ang iba ay iiponin nila.