BOMBO DAGUPAN– Binigyan ng 7- 7.5 na grado ng isang political analyst si pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton- political analyst, sinabi nito na walang perpektong administrasyon ngunit palaging may lugar para sa pagbabago.

Karapatan ng kahit sino ang magbigay ng grado.

--Ads--

Matatandaan na may mga grupo na rin ang nagbigay ng bagsak grado sa pangulo.

Para sa mga kongresista na kasapi ng Makabayan bloc ay wala dapat ipagmalaki si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).