BOMBO DAGUPAN – Inihayag ng National Bureau of Investigation na base sa isinagawang autopsy sa bangkay ng isang beauty pageant contestant at ng kanyang Israeli boyfriend ay lumalabas na binaril sila ng dalawang beses.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez, ay may mga tama ng baril sa likod ng kanyang katawan at hita, habang ang kanyang boyfriend na si ay may mga tama ng baril sa kanyang dibdib at malapit sa kilikili.

Huling nakitang buhay ang dalawang biktima nang bisitahin ang lupang bibilhin sana nila sa Capas.

--Ads--

Kinabukasan, nakita ang kanilang SUV na sinunog habang nawawala ang mga biktima.

Una nang kinumpirma ng pamilya ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 contestant na mga gamit ng kanilang kaanak na si Lopez ang mga nakitang sinunog.

Sa kasalkukuyan ay may mga indibiduwal nang iniimbestigahan ang mga otoridad.