Dagupan City – Nakahanda na ang Pangasinan Polytechnic College sa pagbubukas ng kauna-unahang school year operation para sa libreng edukasyon sa mga Pangasinense.
Ayon kay Dr. Maria Rhodora E. Malicdem, Professor II ng Pangasinan Polytechnic College, ito ay sa ilalim ng proyekto ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III na magkaroon ng degree ang mga kabataan na nasa ilalim ng least priviledge na estado ng pamumuhay.
Aniya, bukod pa sa libreng kolehiyo ay makakasiguro na pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo’y may nag-aabang ng trabaho sa mga ito.
Binigyang diin naman nito na hindi lang libreng tution ang proyekto bagkus ay ang libreng edukasyon sa mga kabataang nagnanais magkaroon ng degree.
Ang Pangasinan Polytechnic College ay mayroong 4 na kurso na kinabibilangan ng; Bachelor of Special Needs Education (BSNEd), Bachelor of Science Agri-Business, Bachelor of Multi-media Arts, at Bachelor of Public Administration major in Local Governance. At nasa ilalim ng 4 na taong kurso rin.
Isa itong pampublikong kolehiyo na itinatag ng Provincial Government ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at ng Sangguniang Panlalawigan na pinangungunahan ni Vice Gov. Mark Lambino.
Layon ng PPC na maghatid ng libreng edukasyon sa mga Pangasinense na higit na nangangailangan ng suporta upang makapagtapos sa pag-aaral.
Bawa’t kuro ay pipili sila ng tig-100 mag-aaral na sa kabuo-an ay 400 mag-aaral ang sasailalim sa programang libreng edukasyon ng gobernador.
Ang mga enrollees naman ay sasailalim sa PPC Admission Test (PPCAT) na nakatakda sa hulyo 15 morning and afternoon batch at sa hulyo 16 morning and afterrnoon batch.
Samantala, tiniyak anman nito na ang PPC ay magbibigay ng de-kalidad, makabuluhan, at ingklusibong edukasyon sa mga mag-aaral na magiging kasangkapan sa patuloy na pag-unlad ng ating probinsiya at ng bansa.