BOMBO DAGUPAN – Sa kauna-unahang pagkakataon ay opisyal na inamin ni David Licauco na siya ay “taken” o may karelasyon na.

Hindi na pinangalanan pa ng aktor kung sino ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon, ngunit matagal nang haka-haka na ito ay hindi taga-showbiz.

Aminado rin si David na nagbago ang pananaw niya pagdating sa pagmamahal nang tumuntong siya ng 20s.

--Ads--

Noong bata-bata pa raw siya ay kuntento na siya kung makakakilala siya ng babaeng pasok sa kanyang standard.

Ngunit ngayong siya ay 29 years old na ay marami na raw siyang dapat ikunsidera.

Hindi pinangalanan ang naging girlfriend ni David na “napakaganda” dahil mula ito sa isang pribadong pamilya.