DAGUPAN CITY- Arestado ang isang 41 na lalaki sa bayan ng Pozorrubio matapos magtago ng halos 20 taon dahil sa kaso nitong pang-gagahasa.

Ayon kay PCapt. Philip Pulmano, Deputy Chief of Police ng Pozorrubio PNP, sa bisa ng warrant of arrest, kinilala ang suspek na si Randy Nidoy, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Bantugan, sa nasabing bayan.

Napag-alaman ng kaniang intelligence na bumisita ito sa kanilang pamilya kaya kanilang naaresto ito.

--Ads--

Inakala umano ng suspek na abswelto na ito sa kaso dahil sa tagal nitong nagtago mula sa batas.

Ayon pa kat Pulmano, menor de edad pa ang biktima nang mangyari ang krimen at ito ay may kapansanan.

Kasalukuyang nakapiit na ito sa kanilang himpilan at positibo din itong kinilala ng biktima.

Samantala, nahaharap ang akusado sa kasong Rape kaugnay sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Wala din itong pyansa.