BOMBO DAGUPAN – 4 na katao ang nasawi habang 9 na iba pa ang sugatan kabilang na ang dalawang police officers sa nangyaring shooting incident sa isang grocery store sa Arkansas sa Estados Unidos.

Ayon kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent in USA sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na napakarami talagang insidente ng mass shooting sa Estados Unidos kung saan ito na ang pang 226 insidenteng naitala.

Aniya na halos nasa 318 katao na ang nasawi habang 836 naman ang mga nasugatan sa mga ganitong insidente na naipaulat.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng kinauukulan ang suspek ngunit hindi pa matukoy ang dahilan kung bakit niya nagawa ang krimen.

Samantala, nagbigay naman ng direktiba ang kanilang gobernador sa kapulisan at nangakong aalalay sa anumang tulong na kailangang ibigay sa mga naapektuhan.