BOMBO DAGUPAN- “Incurable” ngunit maaari umanong mapigilan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate, pinaniniwalaan nito na kung maiiwasan ang pagkakaroon ng bad lifestyle, poor nutrition, at lack of exercise ay maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease.
Kaya aniya, maaaring ang mga nabanggit na risk factors ang dahilan kung bakit karamihan sa mga natatamaan ng Alzheimer’s Disease ay nasa Low and Medium Income Population.
At sa edad na 40 madalas nang nakikitaan o nagiging progresive ang naturang sakit sa isang tao, subalit dahil sa risk factors, maaaring bumata pa ang makakaranas nito.
Dito na aniya namamatay ang mga nerve cells sa utak na responsable sa pag-alala. Upang maalala ang nakalimutan, kailangan aniya “ma-reinvent” ang pangyayari subalit imposible na ito.
Samantala, binigyan linaw naman ni Dr. Soriano na ang nasabing sakit ay isang klase ng dimentia.
Aniya, madaling magdeteriorate ang utak ng isang indibidwal na mayroong dementia habang ito ay tumatanda kumpara noong bata pa ito na may magandang memorya.
Habang sa Alzheimer’s Disease ay isang progresive na sakit kung saan habang lumilipas ng panahon ay lumalala ang pagiging makakalimutin ng isang tao.
Subalit, madalas man magkaroon ng misdiagnosis, kinakailangan itong dumaan sa positron emission tomography (PET) scan upang makumpira ito.
Bagkus, incurable man ito, kinakailangan ng isang taong may Alzheimer’s Disease ang buong suporta ng mga mahal nito sa buhay.
Importante aniya mabigyan ang mga ito ng emotional support at social connectivity.
Maliban diyan, kinakailangan din ng kaakibat na supplement upang makatulong sa nervous system nito.