DAGUPAN CITY- Wala umanong natirang bangus sa ibang mga palaisdaan sa bayan ng Anda matapos magkaroon ng mga nasawing isda.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lavarkads, miyerkules nang mabalitaan niya ang naturang pangyayari sa tabing dagat na malapit lamang sakanilang tahanan.

Aniya, karamihan sa mga naaapektuhan ay mga alagang bangus.

--Ads--

Gayunpaman, wala naman aniyang naging problema sa supply ng bangus sa kanilang lugar dahil mayroon pa ring mga hindi naapektuhan at hindi labis naapektuhan ng naturang pangyayari.

Hindi din naman aniya naapektuhan ang presyo nito sa merkado at nasa nananatili pa rin ito sa normal halaga.

Dagdag pa niya, sa kasalukuyan ay nagbalik na sa normal ang sitwasyon ng mga pangisdaan.