Dagupan City – Mahilig ba kayo sa taho?

Pwes, ibahin niyo ang taho vendor na viral online.

Kinaaliwan kasi ang isang 64-anyos na taho vendor, dahil nakasuot umano siya ng business attire habang nagtitinda.

--Ads--

Kinilala ang vendor na ito na si William Lonzagay o Mang Willy sa bahagi ng EDSA-Balintawak sa Quezon City kamakailan.

Take note, dahil hindi lamang naka-formal attire si Mang Willy, kundi naka-cowboy hat pa.

Ayon naman kay Mang Willy, diskarte raw niya ang pagsusuot ng business attire para makahikayat ng kostumer.

Maraming netizen naman ang humanga sa unique marketing strategy niya.