Dagupan City – “We want to change the image of politics here in Calasiao.”
Ito ang naging tugon ni Councilor Patrick Caramat, ang Liga ng mga Brgy Federation President kaugnay sa unification o pagkakaisa ng mga political leaders’ ng bayan ng Calasiao.
Ayon kay Caramat, mas maraming magagawang trabaho, produktibo sa programa at proyekto kung nagkakaisa ang mga lider sa bayan.
Aniya, komunikasyon ang susi sa tagumpay ng bayan matapos nitong makausap ang dalawang political families na mga dating alkalde sina Engr. Roy Macanlalay at Atty. Celso de Vera.
Umaasa na rin ito na magkakasundo na ang mga lider sa brgy at supporters kaugnay sa pagnanais na magkaroon ng Unity.
Ang 26 anyos na si Councilor Caramat ay nagsisilbing Kapitan ng Brgy Nalsian sa unang termino at tumatayong Liga President ng 24 na brgys.
Dati rin itong naging Municipal Administrator sa pamamahala ng yumaong ina nito na si dating Mayor Mamilyn “Maya” Caramat.