DAGUPAN CITY- Arestado ang 2 indibidwal ng operatiba ng San Fabian Police Station, matapos magsagawa ng manhunt operation.

Ayon kay Plt. Col. Michael Datuin, Chief of Police ng San Fabian PS, nahuli sa bisa ng warrant of arrest sina Jaime Alvarez, 53 anyos, isang karpentero, at si Crisanto Fernandez, 38 anyos, isang driver, at parehong residente ng Brgy. Tocok, sa bayan ng San Fabian.

Base sa kanilang imbestigasyon, illegal umano nilang pagputol ng punong-kahoy sa Agoo, La Union.

--Ads--

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 68 of Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Ani Datuin, maaaring magbayad ng bail bond ang mga suspek na may halagang P120,000.

Dinala naman sa kustodiya ng San Fabian PS habang hinihintay ang issuance ng commitment order ng korte.