BOMBO DAGUPAN -Pansamantalang itinigil ng isinasagawang satellite registration dito sa lungsod ng Dagupan dahil sa mainit na panahon.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, election officer ng Commission on Election sa lungsod, isinasaalang alang nila kalusugan ng mga kawani ng Comelec at mga nagpaparehistro sa mga barangay na hindi maayos ang bentilasyon at sobrang init ng panahon.

Sa kasalukuyan ay tuloy tuloy ang voters’ registration sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Sa isang araw aniya ay nasa 40 hanggang 60 ang applicants na nagtututungo sa kanilang tanggapan para magparehistro

Sinabi ni Sarmiento na target nilang bilang na mga magpaparehistro ay nasa 7,000 ngunit posible umanong malampasan ito hanggang sa pagtatapos ng registration sa September 30.

Kahapon aniya ay mayroon kabuoang bilang na 3,843 ang nakapagparehistro na.