Dagupan City – Mistulang bumawi lamang ang Iran.
Ito ang ibinahagi ni Jestony Osinta, Bombo International News Correspondent sa Iran sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa kasunod na drone attack ng Iran.
Aniya, sa katunayan ay masaya pa ang mga residente ng Iran dahil naibawi ang kanilang bansa sa ginawang pag-atake ng Israel noong Abril 1 sa consulate na bahagi ng Syria.
Kaugany nito, wala pa naman ding abiso o direktiba ang pamahalaan ng Iran sa mga residente sa pangkalahatan.
Samantala, patuloy naman aniyang nakaantabay at nakamasid ang mga ito sa mga posibleng mangyari sa kanilang lugar dahil malapit ito sa lugar kung saan ipinadala ang mga armas ng Iran.
Tiniyak naman nito na nasa mabuti silang kalagayan at walang dapat ipag-alala ang kanilang pamilya. Ipinaabot na rin ni Osinta ang kaniyang pasasalamat sa mga Pilipino sa patuloy na pagpapaabot nila ng paalala at malasakit.