Dagupan City – Hinihinalang may mental health problem ang suspek ng multiple stabbing incident sa isang mall sa Sydney.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent sa Australia, isa ang problema sa pag-iisip sa nakikitang dahilan kung bakit nagawa ng suspek na kinilalang guro sa Gloversville ang pamamaril.
Ayon kay Suede, posible ang pagpasok ng armas sa mall, dahil sa Australia ay walang guwardya upang tignan ang mga dala ng mga customer sa mall at pawang cctv lamang ang siyang nagiging seguridad nila.
Pagbabahagi pa nito, sa loob ng 18-taon nitong pamamalagi sa bansa, ngayon lamang may naitalang gano’ng klaseng insidente sa lugar.
Binigyang diin naman ni Suede na walang kaugnayan ang nangyaring krimen sa Israel-Hamas war.