Dagupan City – Arestado ang 55-anyos na Most Wanted Person sa Region 4A sa bayan ng San Nicolas dahil sa kasong Rape.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCpt. Jerwin Cabreros ang Deputy Chief ng San Nicolas Municipal Station inihain ang alias warrant of arrest kahapon sa suspek na kinilalang si Rey Lampa Mesias, residente sa Brgy. Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, Cavite.

Aniya, bandang alas 3 ng hapon nahuli si Mesias sa kanyang tinitirhan sa Brgy. Salpad sa nasabing bayan.
Lumalabas naman sa isinagawang imbistigasyon na matagal na umanong pinaghahanap ang akusado at nagawa nito ang kaso sa Dasmariñas City sa Cavite.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya pa nila ang lalaki at ang kasong kinakaharap naman nito ay walang piyansa at nakatakdang dalhin sa korte kung saan inisyo umano ang warrant of arrest nito

Patuloy namang isinasagawa ng kapulisan ng Dasmariñas City sa Cavite sa pagbisita sa bara-barangay ng bayan upang magsagawa ng mga pulong sa ganitong kaso at mabigyang paalala ang publiko partikular na ang mga kalalakihan na may karampatang parusa sa ganitong paglabag sa batas.