Dagupan City- Nagpakamatay ang isang 19-anyos na babae sa bayan ng San Manuel, Pangasinan dahil sa hinihinala umanong problema sa pamilya.

Ayon kay Pmaj Edgar Allan Serquina, Chief of Police ng San Manuel Police Station, nakatanggap umano ang kanilang himpilan ng isang tawag mula sa isang concerned citizen at sinabing naganap ang isang insidente ng suicide sa Sitio San Antonio, Brgy Arzadon sa naturang bayan.

Kinilala naman ang mga biktima na si Rey Ann Espedido, may live-in partner na kasalukuyan ding naninirahan sa nasabing lugar. Sa initial na imbestigasyon, nagulat ang kalive-in partner nito na kinilalang si Jordan dahil sa may biglang kumalabog at nang tignan niya ito ay bumugad sa kaniya ang asawa na nakatali sa lubid kung kaya’t agad niyang inalis ang katawan ng biktima at humingi ng tulong mula sa isang concerned citizen.

--Ads--

Lumalabas naman na isa sa nakikitang dahilan kung bakit nagawa ito ng biktima ay dahil na rin sa away mag-asawa, at lumalabas naman na hindi na nito nakayanan ng biktima kung kaya’t umabot ito sa pagkitil ng sariling buhay. Dinala pa umano ang biktima sa Asingan Community Hospital ngunit idineklara din itong Dead on Arrival.

Mensahe naman ni Serquina sa publiko, pag-usapan nang maayos ang problema at huwag makalimot na magdasal upang hindi makalimot at mag-udyok na sa huli ay hindi makagawa ng anumang trahedya.