Dagupan CityNalunod ang 37-anyos na guro sa bayan ng Agno, Pangasinan matapos na magkayayaang mag-night swimming.


Ayon kay PCapt Estevan Fernandez III, Acting Chief of Police ng Agno Police Station, nagkayayaan ang mga itong maligo sa barangay Aloleng nang biglang lumakas ang current ng tubig kung kaya’t agad namang tinangay ang mga ito.


Kinilala naman ang biktimang si Ronald Braganza, guro sa Gayusan Integrated School, at nakatira sa Barangay Poblacion East, sa parehong bayan.

--Ads--


Ayon kay Jennifer Rivero kapwa guro ng biktima, sinubukan pang humawak at iligtas ito, ngunit nawala sa paningin ang biktima at hindi na siya nakitang muli.


Agad din namang humingi ng tulong sa mga residente ang mga ito ngunit walana rin silangnagawa paramaligtas angbiktima. Bandang alas-12:30 ng madaling araw ng parehong petsa, ay natagpuan na ang katawan ng biktima. Dinala pa umano ito sa Agno Rural Health Unit ngunit idineklara ring dead on arrival.


Paalala naman ni Fernandez sa publiko partikular na sa mga pupunta sa mga dagat, sumunod lamang sa mga babala at bantayan ang mga bata nang sa gayon ay maiwasan ang mga ganitong klaseng insidente.