BOMBO DAGUPAN CITY – Abot kalangitan ang sayang nararamdaman ni Rosemarie Garcia, ang TOP 4 passer sa Licensure Exam for Teacher (LET) 2023, dahil sa hindi niya inaasahang mataas na board rating.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, napag alaman niya na lamang na nakapasa siya nang tumawag ang ina ng kaniyang kaibigan at may magsend ng screenshot ng kaniyang pangalan muna sa resulta.


Aniya, hindi niya ito maaabot kapag wala ang kaniyang kapamilyang nag paaral sakaniya at namayapang mga magulang bilang kaniyang inspirasyon at motibasyon. Para sakaniya ay ginabayan siya ng kaniyang mga magulang upang makamtan ang mapabilang sa Top Notchers.

--Ads--


Ibinahagi din niya na malaki din ang ibinahaging tulong ng kaniyang pinasukang review center upang mahasa ang kaniyang mga kaalaman.
Samantala, wala pa man siyang konkretong plano ngunit binabalak na din ni Garcia na maghanap ng mapapasukang trabaho gayung lisensyado na siya.


Binabati naman ni Garcia ang mga kapwa pumasa sa licensure exam at naniniwala itong deserve nila ito sa kabila ng kanilang mga pinaagdaanang paghihirap. Para naman sa mga hindi pinalad ay hinihikayat niyang huwag mapanghinaan ng loob dahil hindi ito ang pipigil sakanila upang makamtan din ang maganda kinabukasan.