BOMBO RADYO DAGUPAN – Isa sa nakikitang dahilan nang pamamaril ng suspek sa Las Vegas campus ng University of Nevada ay ang Mental Health Problem.
Kumpirmado namang nasawi ang 3 studyante at ang suspek sa naganap na shooting incident sa naturang Unibersidad.
Ayon kay Pinoy Legarda Gonzales, Bombo International News Correspondent sa USA, ito ay dahil sa lumalabas sa isinasagawang imbistigasyon ng mga awtoridad sa mga naitatalang shooting insident sa lugar, ay may mental health problem ang mga ito, kung kaya’t dinadala ang mga suspek sa mental facility.
Ibinahagi rin ni Gonzales na matagal nang panawagan ng mga democrat na ipagbawal ang baril sa mga sibilyan, ngunit ayon kay Pinoy, kaunti lamang ang mga pulis sa Las Vegas kung kaya’t kinakailangan ng mga licensed gun owners sa naturang lugar.
Paglilinaw din ni Gonzales, ang kada state sa nasabing bansa ay may iba’t ibang batas na ipinapatupad partikular na ang right to carry arms.