Nanatiling payapa ang buong lalawigan ng Pangasinan kung saan ay walang natatanggap na anumang banta ang ilang mga political officials sa probinsya sa kabila ito ng mga naitalang serye ng pag-ambush sa ilang mga opisyal ng gobyerno sa bansa.

Ayon kay Pangasinan Provincial Director PCol. Jeff Fanged na sa kasalukuyan ay mahigpit ang kanilang mga isinasagawang threat assessments sa mga opisyal sa lalawigan upang matiyak na walang maitatalang anumang krimen laban sa kanila.

Kaugnay pa nito ay mayroon din aniyang mga isinasagawang threat assessment ang mismong mga opisyal at mayroon din aniya silang koordinasyon sa kanila para sa mahigpit na monitoring dito.

--Ads--

Batid nito na malaking responsibilidad ang nakaatang sa lahat ng mga namumuno sa gobyerno kung kaya naman malaki rin ang posibilidad na sila ay maging target ng anumang klase ng mga insidente na mahigpit naman aniya nialng tinututukan,

Pagsasaad pa nito na walang dapat ipangamba ang publiko sa mga naging kaliwa’t kanang insidente ng pagambush sa mga government officials dahil aniya ay nakaalerto ang kanilang hanay.

TINIG NI PCOL. JEFF FANGED

Dagdag pa nito na may nakatalaga namang mga police escorts sa bawat mga opisyal at aniya sa tuwing mga mga isinasagwang malaking aktibidad ay hinihingi naman umano nila sa kanilang hanay ang mga karagdagang pwersa upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang kanilang isasagawang aktibidad.