Maituturing na isang malaking tagumpay ang isinagawang Bloodletting Drive ng bayan ng Laoac na naglalayong makatulong sa lahat ng mga residente ng bayan sa pangangailangan sa dugo.

Ayon kay Atty. Nelson Gayo ang siyang Founder ng 911 Laoac Alert, na tuloy-tuloy ang kanilang adbokasiya sa pagbibigay ng suporta sa lahat ng mga residenteng mangangailangan ng dugo ay kanilang taunang inilulunsad ang isang blood letting drive.

Aniya na noon pang taong 2020 ng kanilang inirehistro ang Securities Exchange Commission o SEC ukol sa pagsasagawa nito.

--Ads--

Sa taong kasalukuyan aniya ay kanilang nalagpasan ang mataas na rekord na naitala Pebrero ng taong 2021 kung saan sila ay nakakolekta ng aabot sa 200 bags ng dugo.

Malaking bilang din aniya ng mga nagdonate ng dugo ay pawang mga sibilyan kung kaya naman kanila aniyang ikinagagalak na mas marami ng mga residente ang nakikilahok sa ganitong mga klaseng aktibidad.

Dagdag pa nito na bilang pasasalamat aniya sa mga nakilahok ay namahagi sila ng gift packs at ibinilang din aniya sila sa kanilang isinagwang raffle draw.

TINIG NI ATTY. NELSON GAYO

Idiniin din nito na ang naturang tagumpay na bloodletting activity ay malaking gampanin ng Pamahalaang Bayan ng Laoac sa pangunguna ni Mayor Ricardo Balderas