Patay ang isang mag-ama matapos pagtatagain ng kanilang pinsang kapitbahay sa Brgy Tebag West sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.

Ayon kay Police Captain Vicente Abrazaldo Deputy Chief of Police ng Sta Barbara PNP kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rolando at Rolly Paeste habang kinilala ang suspek na si Arturo Dela Cruz.

Nag iinuman umano ang magkapatid nang biglang dumating ang suspek saka sila pinagtataga sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan dahil umano sa dating alitan ng mga ito sa lupa.

--Ads--

Taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng dalawang biktima kung saan hindi pa mahanap ang isang tenga ng isa sa mga biktima.

Nagkahiwa-hiwalay din ang ilang bahagi ng katawan ng mga ito kung saan ang ulo ng nakatatandang biktima ay naihiwalay sa katawan nito.

Sumuko sa pulisya ang suspek na si Arturo Dela Cruz at iginiit na kaya nagawa ang insendete ay dahil sa pagtatanggol sa kapatid nito na inaaway umano ng mga biktima.