Dati nang nakulong at kilalang pusher ng illegal ng droga ang mga nahuling mag-live-in partner sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon kay PMaj. Zynon Paiking, Chief of Police ng Pozorrubio PNP, taong 2016 nang unang nasangkot sa naturang gawain ang lalakeng suspect at nakulong ng 5 taon habang ang kanyang live-in partner ay nakulong ng 4 na taon noong 2013.
Subject lamang sana ng isinagawang operasyon ang lalakeng suspek ngunit naaktuhan na kasama nito sa pagbebenta ng illegal na droga ang kanyang live-in partner.
Nasa 2,040 ang nakuhang halaga ng shabu na nakuha sa mga suspek.
Sa ngayon ay tinutugis na rin ng naturang himpilan ang mga maaring mga kasamahan o source ng mga ito sa pagbebenta ng illegal na droga.
Samantala, mas pinapaigting pa ngayon ng naturang himpilan ang pagsasagawa ng mga aktibidad at operasyon upang mas masugpo ang iilegal na droga sa kanilang nasasakupan sa tulong na rin ng kooperasyon ng kanilang lokal na pamahalaan.