Naaresto ng mga otoridad ang isang high value target na drug personality dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rechie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ang isinagawang buy-bust operation sa Rivera St. Barangay II & III ay nagresulta sa pagkakahuli sa suspek na si Eunice Solomon y Muyano.

Ayon kay Camacho, nagpanggap na buyer ang isa nilang tauhan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng Php 5,000 na halaga ng shabu.

--Ads--

Sinabi ng opisyal na naaresto ang suspek bunga ng pakikipag ugnayan sa mga barangay officials.

Nabatid na problema o sakit ng ulo ng kanilang barangay ang suspek dahil talamak mag benta ng droga sa mismong tirahan.

Matagal na umanong minomonitor ang suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na kasama na rin siya sa mga naunang naarestong drug personalities noong nakaraang buwan.

lnaalam na ng kapulisan ang mga parokyano na nagpupunta sa kanyang bahay para bumili ng illergal na droga at inaalam din ang mga posibleng pinagkukuhanan ng illegal drugs.

Samantala, hinimok niya ang mga tao at lalung lalo na ang mga barangay officials na maging vigilant at agad na ireport ang anumang nalalamang illegal drug activities sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay nasampahan na ng kaso ang suspek.