“Mabait at wala namang nababalitaang nakaalitan.” Ito ang paglalahad ni Bernard Tuliao, Presidente ng AutoPro Pangasinan ukol sa pagkakakilala nito kay Petonillo Castillo, na siyang presidente ng Lingayen-Dagupan Transportation Cooperative at tumatayong Treasurer din ng kanilang grupo.

Ayon kay Tuliao, kapag hindi gaanong kilala ng ilan ang ugali ni Castillo, ay mapagkakamalan itong laging galit ngunit sa kabila nito ay mabait at mabuti itong kaibigan.

Sa ngayon umano ay nangangalap pa sila ng impormasyon at hinihintay ang feedback ng mga miyembro ng grupo na pinamumunuan ng biktima.
Mapag-uusapan pa lamang pagkatapos ng libing ni Castillo kung sino ang papalit sa kanya sa naiwan nitong posisyon.

--Ads--

Matatandaang pinagbabaril ang biktima kasama ng kanyang asawa sa Sto. Niño St. Poblacion sa bayan ng Lingayen habang lulan ito ng hi-ace van.