Hinihintay pa ang post mortem examination sa dalawang bangkay ng mga babae na natagpuan sa isang ilog sa lungsod ng San Carlos.
Ayon kay Police Major Ria Tacderan – PIO PNP Pangasinan, sa kasalukuyan ay nakikipag ugnayan pa sila sa San Carlos PNP para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Inaalam ng mga imbestigador kung nalunod nga ba talaga at walang foul play na nangyari.
Matatandaan na ang dalawang bangkay ay natagpuan sa ilog sa nasabing ciudad noong June 20.
--Ads--
Sa tingin ni Tacderan ay hindi pa masyadong matagal na nagpalutang sila sa nasabing ilog.
Wala rin silang natanggap na impormasyon na nawawala ang mga ito.