Dinagsa ng maraming Pangasinense ang harapan ng Kapitolyo sa bayan ng Lingayen sa isinagawang Prayer Vigil.
Bitbit ng mga ito ang mga plakards na nakasulat ang mga katagang tao dapat bumubuto at hindi makina, Pangasinan not for sale, Pangasinan anyare at marami pang iba.
Ipinanawagan ng grupo na magkaroon ng manual recount o mano manong pagbibilang sa mga balota dahil sa paniniwalang nagkaroon ng malawakang dayaan sa bilangan ng mga balota sa probinsya.
--Ads--
Naniniwala sila na may malawakang dayaan sa pagbibilang ng boto kaya para patunayan at mawala ang mga pagdududa ay nais nilang magkaroon ng mano manong bilangan.