“Wala akong sama ng loob at walang nawala sa akin dahil ang posisyon ay hiram lamang sa taumbayan at gobyerno”. Ito ang pahayag ni Dagupan city mayor Marc Brian Lim kasunod ng pagkatalo niya sa katatapos na halalan.

Kasabay nito ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng kanyang mga supporters.

Aniya, alam niya ang pinagdaanang hirap sa pangangampanya, hirap sa pag iikot at ginawa nila ang lahat ng makakaya para manalo.

--Ads--

Sinabi ni Lim na bagamat hindi nagawang nagwagi ay marapat pa rin niyang ibigay ang suporta at pagmamahal sa mga bagong halal na mga konsehal .

Giit nito na ang eleksyon ay hindi sukatan ng pagkatao kundi ang sariling ugali sa pakikkitungo sa kapwa tao.

Dagdag pa niya na bilang Dagupeno, ang hangad niya ay makapagsilbi ng tama at tapat ang mga bagong uupo sa puwesto.

Pabiro pa niyang sinabi sa mga nalulungkot at umiyak sa kanyang pagkatalo na mag relaks lang.

Para sa kanya, walang umano siyang sama ng loob kahit kanino dahil siya ang higit na nakakaalam at nakakakilala sa kanyang sarili.