Isang lalaki na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan natagpuang patay sa dagat sa Bani Pangasinan

Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang hindi pa nakikilang lalaki sa dagat ng Sitio Surip Brgy. Tuma sa bayan ng Bani.

Ayon kay PMAJ DENNIS B CABIGAT, hepe ng Bani PS, hapon ng ireport sa kanilang himpilan ang insidente at nakausap nila ang isang mangingisda na si Jessie Viloria na naka diskubre sa bangkay ng biktima.

--Ads--

Ayon kay Viloria, habang nangingisda siya noong pagkakataon na iyon ay mayroon itong napansin na palutang lutang sa dagat at inakala lamang niya na marahil mayroong naliligo ngunit ng kaniyang mapansin na hindi ito gumagalaw ay nagdesisyon itong lapitan at dito na nga tumambad sakaniya ang patay na biktima at agaran biya itong inahon at kalaunan ay kaniya ng inireport sa kapulisan.

Isinailalim ang bangkay ng biktima sa post mortem examination at lumalabas na posibleng nakalipas na ang isang araw mula ng malunod ito bago matagpuan ang kaniyang bangkay.

Sa ngayon, ay hindi pa tukoy ang pagkaka kilanlan ng biktima ngunit base sa paglalarawan ng mga otoridad ng ito ay matagpuan, may katamtamang laki ang katawan, siya ay nakasuot ng puting t-shirt at black camouflage na short.