Pangkalahatang mapayapa ang paggunita ng pagsisimula ng Semana Santa o Holy Week sa lungsod ng Dagupan.

Maaga pa lang dagsa na ang mga tao sa mga simbahang katoliko sa lungsod para sa linggo ng Palaspas o Palm Sunday.

Pero, nakaalerto ang kapulisan kaya hindi nakapagtala ng anumang klase ng krimen sa kabila ng pagdagsa ng mga mananampalataya sa mga simbahan.

--Ads--

Hindi rin nakaapekto sa daloy ng trapiko ang nabanggit na pagdiriwang at patuloy ring nakabantay ang mga awtoridad para matiyak ang seguridad ng publiko.

Matatandaang matapos ang 2 taong pagkakaroon ng limitasyon dahil sa COVID-19 pandemic, ay binuksan ang mga simbahan para sa mananampalataya.