Isang araw bago matapos ang Fire Prevention Month 2022, nasunog ang malawak na kabundukan ng barangay Bantay sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Ayon kay FO2 Kin Darrel Blor, PIO ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Mangatarem, nag umpisa ang sunog sa maliit hanggang sa umakyat ito sa bundok dahil sa bilis ng hangin at kasagsagan ng mainit na panahon.

Nanbatid na nagsimula ang sunog ala – 10 ng umaga at ilang oras pa ang itinagal bago naapula.

--Ads--

Aniya, malawak ang narating ng sunog dahil sa malakas na hangin at nahirapan ang mga rumispondeng mga bantay gubat, at ang mga bombero dahil walang daanan ng truck.

Samantala, wala namang nadamay na mga residential houses.

Sa ngayon ay inaalam pa ang halaga ng danyos habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga kinakaookolan.