Kakailanganin pa umano ng approval mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) bago payagang gunitain ang Bangus Festival ngayong taon sa nalalapit na buwan ng Abril.
Ito ang pahayag ni Dagupan City Marc Brian Lim, kung saan aniya ay posible lamang maisagawa ang naturang pista kung nasa Alert Level 1 o mawala na sa anumang alert level classification ang siyudad sa panahon iyon, gayong kasagsagan pa rin ng COVID-19 pandemic.
Ibinahagi rin nito ang higit na pagnanais na matuloy ngayong taon ang pagselebra ng Bangus Festival.
--Ads--
Umaasa itong wala na ring lilitaw pang bagong strain ng COVID-19 ngayong taon.
Binigyang diin din ni Lim na kailangan pa nilang magsagawa ng pag-aaral kung itutuloy ba ito kahit pa small celebration lamang ang mapayagan.