Natagpuang wala nang buhay ang 20- taong gulang na lalaki matapos umanong matabunan ng lupa sa ginagawang balon sa Barangay Luna sa bayan ng Umingan, Pangasinan.

Ayon kay Police Chief Master Sargeant (PCMS) Samdy Bustamante, ang Duty Investigator ng Umingan PNP nakilala ang biktima na si Garry Viray.

May lalim na 25 feet ang ginagawang balon kung saan natabunan ang biktima.

--Ads--

Nabatid na, pasado alas-3 ng hapon noong Enero 25 habang sila ay naghuhukay sa ginagawang balon, bigla umanong gumuho ang lupa at nataon na siya ang nasa ilalim ng hukay.

Sa lalim ng nahukay na lupa, maaring dito umano nagmitsa ang pagguho nito

Nagtataka rin ang mga kasamahan ng biktima na kamag-anak din niya kung bakit ito gumuho.

Ngunit sinabi ni Bustamante na malaki ang posibilidad na ang pagguho nito ay dahil may mga parte sa hinuhukay na lupa ang may moist o basang parte.

Police Chief Master Sargeant (PCMS) Samdy Bustamante, Duty Investigator Umingan PNP

Ang ginagawang balon ay magsisilbing pagkuhanan ng tubig dahil mahirap umano ang pagkuha ng tubig parana sa kanilang mga pananim.

Kadalasan kapag umuulan lamang nakakakuha ng sapat na tubig ang kanilang lugar.