Nahuli na ang dalawang suspek sa pang aambush kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ang dalawang tinaguriang most wanted person ng Region 1 na 67 at 61 taon gulang na lalaki ay parehong residente ng Rizal St. Dagupan City.
Isinagawa ang pag-aresto sa pangunguna ng Provincial Intelligence Unit ng Pangasinan at Provincial Operation and Management Unit Pangasinan PPO (lead unit) at Regional Intelligence Division ng PRO1 sa Old Iba Road, Meycauayan, Bulacan.
Nahuli ang mga ito sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ng Branch 56, First Judicial Region, San Carlos City, Pangasinan para sa kasong kriminal na urder at Attempted Murder .
Matatandaan noong Setyembre 2019 nang tambangan ang sinasakyan ni Espino at mga kasama sa Barangay Magtaking sa San Carlos City, Pangasinan.
Nasugatan si Espino pero nakaligtas habang kaagad nasawi ang kaniyang security escort.
Nauna na ring nahuli ang iba pang suspect sa pag ambush kay Espino sa San Juan, Batangas at sa bayan ng Urbiztondo.