Mariing pinabulaanan ni dating Mangaldan Mayor Bonafe de Vera Parayno ang aligasyon ni Cagayan Economic Zone Authority o CEZA Chief Sec. Raul Lambino na siya ang nasa likod ng malisyosong kaso laban sa kanya.
Ayon sa alkalde, hindi niya kilala ang mag inang Rosela at Maricar na nagharap ng reklamo laban kay Sec. Lambino at sa asawang si Mangaldan mayor Marilyn Lambino.
Sinabi ni Parayno na kahit kailan ay hindi umano lumapit ang dalawa sa kanya upang humingi ng tulong at wala rin siyang kilala sa Citizen Movement Against Crime and Corruption .
Nalaman lamang umano niya ang kontrobersiya sa pamamagitan ng media.
Giit din niya na siya ay may takot sa Diyos at hindi ugali na magsagawa ng character assasination sa kanyang kalaban sa Pulitika
May mali aniya sa pahayag ni sec. Lambino na mga sinungaling ang dalawang tao na nagparatang sa kanya pero nagtatakaka naman siya bakit naniniwala ito na si Parayno ang tumulong sa umanoy mga biktima at ipinagtataka rin kung bakit nagpapasalamat ang dalawa sa kanya.
Umapela naman siya na huwag sanang haluan ng pulitika ang personal na problema ng pamilya Lambino.
Nanininiwala naman ito na lalabas din ang katotohanan.
Matatandaan na inireklamo si sec. Lambino ng panghahalay sa isang menor de edad at sa asawa na si mayor Lambino na inakusahan naman ng pananakit sa kanilang mga dating kasambahay.