Nasunog ang malaking bahagi ng kabundukan sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.
Ayon kay FOI Carl Kenny Pidlaoan- DPO cuncurrent lead ng BFP Aguilar, naireport sa kanilang opisina ang gras fire na nangyari sa barangay Buer bandang ala sais kagabi.
Sinabi ni Pidlaoan na kaagad naman silang rumisponde pero hindi nakapasok ang kanilang mga firetruck sa mismong pinangyarihan ng sunog dahil pahirapan ang daan kaya ang ginawa nila ay inalerto ang mga barangay officials at residente malapit sa sunog.
--Ads--
Gayunman wala namang mga bahay ang nadamay sa sunog .
FOI Carl Kenny Pidlaoan – BFP Aguilar
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon kung anong sanhi o pinag mulan ng sunog at inaalam kung gaano ang lawak o pinsala ng nasabing grass fire.