Maswerteng nasagip ang 27-anyos na lalaki mula sa pagkalunod sa Baywalk Area, Brgy. San Isidro, Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang nailigtas na biktimang si Gary Aguillon na residente ng Brgy. San Juan, San Carlos City.
Batay sa nakalap na impormasyon ng kapulisan sa mga kaanak nito, habang naliligo si Aguillon sa naturang dagat ay nahatak umano ito pailalim ng malakas na agos ng tubig.
--Ads--
Agaran namang humingi ng saklolo ang mga ito sa mga nakatalagang personnel ng Task Force Baywalk, kasama ng ilan pang concern citizens sa lugar, dahilan nang maagap na pagresponde at nailigtas ang biktima.