Hindi muli magkakaroon ng muzzle sealing ng mga baril ng mga pulis ngayong 2021 holiday season.
Ayon kay pol. col. Ferdinand de Asis, public information officer at deputy provincial director for operations ng PPO Pangasinan, ito ay dahil pinagkakatiwalaan daw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang mga pulis na hindi umano mai-involve ang mga ito sa anumang paggamit ng baril ngayong nalalapit ang pagsalubong ng bagong taon.
Matatandaang mula 2019 ay hindi na nagsasagawa ng muzzle sealing ang PPO Pangasinan.
At wala naman umanong naitatalang kaso na kinasasangkutan ng mga PNP Personnels sa Pangasinan gaya ng pagpapaputok baril.
Ang hindi aniya paglalagay ng tape ng muzzle sa mga baril ng mga pulis ay nagpapakita rin ng disiplina ng mga pulis. Pero, nire-require naman ang mga pulis na mag-report sa kanilang duty tuwing kapaskuhan at bagong taon.
May iba namang pinayagan na magbakasyon pero pinaalalahan silang huwag masasangkot sa anumang hindi kanais nais na insidente.
Samantala, pinayuhan naman ni de Asis ang publiko na makipagtulongan sa kapulisan at huwag gumamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong sa bagong taon.