Nagpakamatay ang 24-anyos na dalaga dahil sa tindi ng iniinda sa sakit na kanser sa Brgy. Laoac, Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon kay PSSgt. RJ Romero, Imbestigador ng Pozorrubio Police Station, taong 2020 nang ito ay ma-diagnose sa sakit na kanser, stage one, at magmula non, kapansin-pansin na umano ang labis na kalungkutan o depresyon ng biktima.
Dagdag pa nito, isa rin umanong tinitignan na dahilan ang pinansyal na kahirapan sa pagpapa check-up at pagbili ng kaniyang mga gamot kaya’t nagawa ng biktima ang magpakatiwakal.
Agaran naman umanong natagpuan ang labi nito na nakasabit sa kanilang bubungan gamit ang tela na panali na nakapulupot sa kaniyang leeg.
Wala namang iba pang uri ng injuries o sugat sa dalaga, dahilan upang ma-rule out ang anumang foul play.
Ito na ang ika-anim na suicide incident na naitala sa naturang bayan sa taong 2021.
Mas mababa naman umano ito kumpara sa nakalipas na taon na kung saan ay nasa 10 ang kanilang reported suicide incidents.
Ito ay dahil aniya sa pinaigting na interventions ng pulisya sa pagsasagawa ng barangay visitations o house visitations sa mga mag-anak na kung mayroong anumang problema ay gawin ang lahat upang ito ay maayos at maiwasan na ang pagkakatala ng ganitong uri ng insidente,