Patay ang dalawang magpinsan habang maswerteng naisalba ang isa pa mula sa pagkakalunod sa Lingayen Beach Brgy. Estanza, Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jennifer Peralta, 30-anyos na isang housemaid at Matthew Ace Feralca, 12-anyos na isang grade 11 student. Habang ang nakaligtas ay kinilalang si Matt Ivan Feralca, 9-anyos na grade 4 student at pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Nagtungo umano ang mga ito sa Lingayen Beach kasama ang kanilang lola dakong 8:00 ng umaga at agarang lumusong sa dagat upang maligo.

--Ads--

Ngunit dakong 8:45 habang lumalangoy ang mga ito ay tinangay umano sila ng malakas na agos ng mga alon.

Batay sa kanilang lola, nasagip niya ang apong sina Jennifer at Matthew Ace habang isang concern citizen naman ang nakasagip kay Matt Ivan.

Agarang itinakbo ang dalawang menor-de-edad sa Jesus Nazarene General Hospital ngunit dead-on-arrival na si Matthew Ace, habang nasa maayos na kondisyon naman si Matt Ivan.

Ngunit si Jennifer na itinakbo ng LDRRMO sa Lingayen District Hospital ay idineklara ring dead-on-arrival ng kaniyang attending physician.