Malaki ang tsansang masungkit ni Miss Universe Philippines Beatrice Gomez ang korona sa gaganaping 70th Miss Uinverse bukas na gaganapin Eilat, Israel.
Ito ay ang pananawi Kathie Lee Berco, na siyang representante ng bansa sa Ms. Tourism Worldwide 2022, kung saan sinabi nitong malaking factor ang pagpapakatotoo ni Gomez sa kaniyang kasarian.
Ito ay nang pagmamalaking ipinahayag ng Cebuana beauty queen na si Gomez sa publiko na siya ay miyembro ng LGBTQ.
Dagdag rin ni Berco na nagstandout ang pambato ng bansa sa naging preliminary competition nito noong Disyembre 10 kung saan umani ng mga papuri ang inirampang national costume ni Gomez na ‘Bakunawa dragon’ na hango sa kwentong bayan o alamat ng mga Bicolano at Bisaya.
Aniya maituturing din na handang handa ang aspetong mental, physical at emotional ng pambato ng Pilipinas dahil sa kumpiyansang ipinapakita nito sa naturang paligsahan.
Samantala sinabi naman nitong maituturing bilang biggest competitor ang pambato ng mga bansang India at Paraguay.
Hiling din nito ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagdarasal para masungkit muli ng bansa ang korona sa Miss Universe 2021.